History of Eskumor

Panu ba nagsimula tong "Eskumor" na word?

Ganito kasi yan e, nung medyo bago pa lang si Sir Weng as coach ng Bloomfield, e tong si Bonn Reyes under-training pa meaning wala pa sa talagang team. E minsan kasi nagkakamali siya sa pagpronounce ng word na "umiskor" ang nasasabi niya lagi ay "eskumor" kaya since then parang naging pre-game chant na ng team un every game or practice.

Medyo nagevolve din yan e, nung panahon nila Patrick Eusebio in 2001, dinagdag ng CAT para may dating ng konti kaya pano.

Pero nung panahon nila Lloyd Corpuz tapos si Bonn nasa team na, ewan ko mukhang nanonood yata ng Batibot si Lloyd kaya nilagyan niya alphabet para pag dating ng letter E isusunod na ng Eskumor.

Bat naging team name to? E napagisipan ni Sir Weng na dapat naman may nickname ang team, madaming binoto mayroon pang Miners, etc. pero napagisipan na ang nickname ay Eskumor 85 na ang sagwa kaya naging Eskumor o kaya Eskumors.

The rest was ika nga history as it became synonymous to Bloomfield Basketball for over the next three years, pag narinig mo na ung Eskumor sa Bloomfield alam mo ung basketball team na ang naiisip mo.

 

2006 ESKUMOR.TK
The Official Site of Eskumor Basketball
Since 2002